Advertisers

Advertisers

2 BADIGARD NG BRGY. CHAIRMAN SA BULACAN PATAY SA AMBUSH!

0 669

Advertisers

PATAY ang dalawang badigard ng barangay chairman sa Bulacan nang tambangan sa Barangay Mozon, San Jose Del Monte City, Bulacan, Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Allan Rebuijo, 46 anyos, ng Brgy. Muzon; at Rodolfo Capulong, 47, ng Brgy.Guijo, na kapwa miyembro ng Civil Security Unit ng SJDM at badigard ni Barangay Muzon Chairman Dionisio Aque.

Sa report, nangyari ang pamamaril 3:50 ng hapon sa bahagi ng Benjamin 2, Brgy. Graceville.



Sa inisyal na imbestigasyon, naghatid ng litsong baboy ang dalawang biktima sa birthday party sa lugar lulan ng Toyota Innova na may pulang plaka na SJN 168.

Dalawang lalaki na sakay ng Toyota pick up ang bumaba sa sasakyan at walang habas na pinaputukan ang mga biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Brgy. Tungkong Mangga.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya. (Thony D. Arcenal/Arnel Petil)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">