Advertisers

Advertisers

2 NPA patay sa bakbakan sa Misamis Oriental

0 473

Advertisers

DALAWANG miyembro ng New People Army ang nasawi sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Gingoog Ciry, Misamis Oriental.

Ayon kay Major General Romeo S. Brawner, Philippine Army Chief, 5:50 ng umaga nang makaengkwentro ng pinagsanib na mga elemento ng 58th at 16 Infantry Battalions ang may 20 rebelde sa ilalim ng GF Huawei at SRSDG Eagles, Sub regional Committee 1 ng Northern Central Mjndanao Regional Committe sa Sitio Mangilit, Barangay Bal-ason, Gingoog City.

Isinagawa ang operasyon ng mga militar matapos makatangap ng report mula sa residente sa pag-iikot ng mga rebelde upang maghikayat ng mga bagong miyembro sa nasabing lugar.



Sa pagpapatrulya, natunton ng mga sundalo ang hideout ng mga rebelde at nangyari ang matinding bakbakan na tumagal ng 30 minuto at nagresulta ng pagkasawi ng 3 rebelde.

Ang labi ng dalawang rebelde ay ibinigay sa Local governmet unit upang matukoy ang pagkakakilanlang at pagbibigay ng disente libing.