Advertisers

Advertisers

Mixer ng truck nahulog sa ilog sa Batangas: 2 patay

0 221

Advertisers

NASAWI ang dalawa katao nang malaglag ang sinasakyang mixer-truck sa ilog sa Lian, Batangas.

Kinilala ang mga biktina na sina Aniceto Gala, driver ng trak; at John John Obligar.

Sa ulat, nalaglag ang mixer-truck sa ilog sa Sitio Hermosa, Barangay Malaruhatan noong Lunes 11:55 ng umaga.



Ayon sa Calabarzon regional police, minamaneho ni Gala ang trak sa kaliwang bahagi ng kalsada sa tabi ng Ilog sa Nasugbu-Lian nang biglang gumuho ang bahaging iyon ng kalsada. Nahulog ang sasakyan at ang mga sakay nito sa ilog.

Sa inisyal na imbestigasyon, gumuho ang kalsada dahil sa mabigat na kargada ng trak na puno ng ready mixed concrete.