Advertisers

Advertisers

Pari nagbigay ng homiliya sa kasal ng dating nobya

0 313

Advertisers

UMANI ng libu-libong views at reaksyon ang video ng isang pari na nagbigay ng homiliya sa kasal ng kanyang dating nobya.

Sa kanyang YouTube channel na “Fr. Roniel El Haciendero”, ibinahagi ni Fr. Roniel ang naging eksena sa kasal ng dating nobyang si Korina sa Parish of Sto. Niño de Lipa sa Lipa City, Batangas.

Sa kanyang homiliya, ibinunyag ni Fr. Roniel na dating nobya niya ang bride.



“Ang dami ko na hong naikasal ito ho ang pinaka ako’y nanginginig. Tingnan n’yo ako’y pawis na pawis na. Ako’y kinakabahan,” panimula ni Fr. Roniel.

“Si Korina ho ay aking ex,” saad pa niya, na nagresulta ng tawanan at palakpakan sa loob ng simbahan.

Ani Fr. Roniel, naging magkaibigan sila ng bride sa kabila ng kanilang nakaraan.

Hangad daw niyang maging maayos at masaya ang pagsasama nina Korina at Manuel bilang mag-asawa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">