Advertisers

Advertisers

3 kulong sa nakaw na hamon

0 507

Advertisers

ARESTADO ang tatlo katao nang magnakaw ng hamon de bola at iba pang paninda sa isang supermart sa Barangay Rizal, Tagudin, Ilocos Sur nitong Miyerkoles, December 15.

Kinilala ng Tagudin Police ang mga magnanakaw na sina John Raven Ariel Jacobe, 29, residente ng Laois, Labrador, Pangasinan; Felicita Ramos, 52; at Ryan Dela Cruz, 31, kapwa residente ng Mangcup, Calasiao, Pangasinan.

Sa ulat, nakorner ang tatlo ng mga staff ng Zeny’s Supermart nang tangkain ng mga ito na ipuslit ang mga kinuhang 8 Hamon de Bola na nagkakahalaga ng P2,800; 32 sachet ng ladies choice na nagkakahalaga ng P96.00 at isang pack ng tissue paper na nagkakahalaga ng P56.50.



Nabatid na ang tatlo ay sila rin ang itinuturong pumasok sa naturang supermart noong December 9, 2021 na nanguha rin ng mga paninda at umalis nang hindi nagbabayad.