Advertisers
MULA sa motel, sa kulungan ang bagsak ng 33-anyos na ginang at lalaki na kalaguyo nito sa Laoag City, Ilocos Norte.
Sa ulat, sinabing mismong ang hipag ang nakakita sa ginang na pumasok sa motel kasama ang kalaguyo.
Kaagad na nagsumbong ang hipag sa kaniyang kapatid, na mister ng ginang.
Humingi sila ng tulong sa pulisya para mapasok sa motel. At nabungaran sa kuwarto ang ginang at ang lalaki na magkasama.
Desidido ang mister na kasuhan ang kaniyag misis at ang kalaguyo nito.