Advertisers

Advertisers

Lasenggo nakipaglamay, pinaglamayan

0 449

Advertisers

PINAGLAMAYAN narin ngayon ang isang lalaking nakipaglamay nang mabagok ang ulo nito sa semento nang bumagsak mula sa kinauupuan dahil sa kalasingan sa Camarines Sur, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Alberto Trillanes, nasa hustong gulang, ng Barangay Sta Cruz sa bayan ng San Jose.

Batay sa report ng San Jose Police Station, nagtungo ang biktima sa lamay at nakipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.



Sa dami ng nainom na alak ni Trillanes, nalasing ito at bumagsak mula sa kanyang kinauupuan at nabagok ang kanyang ulo.

Tinulungan naman ito ng kanyang mga kaibigan na bumangon at muling iniupo pero mas pinili ng biktima na humiga na lamang.

Ilang oras ang makalipas, napansin ng mga kaibigan ng biktima na hindi na ito humihinga.