Advertisers
NASAWI ang isang menor de edad at sugatan ang limang iba pa sa banggaan ng motorsiklo, Martes ng hatinggabi sa Purok-, Barangay Catabaguangan, Capalonga, Camarines Norte.
Ayon sa ulat ng Capalonga Municipal Police Station, kinilala ang nasawi na si alyas “John” 17 anyos, driver ng motorsiklo na angkas ang tatlong iba pa na edad 15, 16 at 18 anyos.
Sa report, habang binabaybay ng isa pang motorsiklong minamaneho ni alyas “Bert”, 33, ang kahabaan ng kalsada patungong kasentrohan nang salpukin ito ng kasalubong na motorsiklo na minamaneno ni John.
Tumilapon ang motorsiklong minamaneho ni John sa kaliwang bahagi ng kalsada na nagresulta sa pagkakatamo ng seryosong tama sa parte ng drayber at sugatan sa iba’t ibang parte ng katawan ang tatlong angkas nito.
Ang drayber ng isang motorsiklo na si Bert at mga angkas ay nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Dinala ang lahat ng biktima sa Camarines Norte Provincial ngunit hindi pinalad na makaligtas ang isa sa mga ito.
Nagpaalala naman ang pulisya sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho lalo na at laging masama ang panahon at madulas ang kalsada.