Advertisers

Advertisers

Omicron mas mabilis ang hawaan

0 380

Advertisers

INANUNSYO ng Department of Health (DOH) na mas malaki ang tsansa na magkahawaan ng Omicron variant sa loob ng bahay kaysa sa Delta variant ng COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na tinatarget ng Omicron ang mga household o sa loob ng pamamahay.

Base kasi aniya sa pag-aaral, nasa 19 porsyento ang hawaan ng Omicron variant sa household kumpara sa Delta na nasa 8.5 porsyento lamang.



Ito aniya ang dahilan kung kaya mahalaga na magpabakuna na ang bawat isa.

Pahayag pa ni Cabotaje, mayroon ding pag-aaral sa United Kingdom na mas malaki ang tsansa na matamaan ng Omicron variant ang mga bata at mga matatanda na hindi bakunado.