Advertisers

Advertisers

Rabiya naging manhater kaya wala pa ring syota; Jennica posibleng tigil-showbiz ‘pag nakabalikan ang mister na si Alwyn

0 251

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SA gandang pang-Miss Universe ni Rabiya Mateo ay wala pa rin siyang karelasyon hanggang sa kasalukuyan, ilang buwan na makalipas na makipaghiwalay sa boypren for almost 5 years na si Neil Salvacion.

Tsikang dagsa naman ang nagpapalipad hangin ngayon kay Rabiya pero dedma lang daw ang dalaga at wala raw sinamahan sa date. Say tuloy ng isang netizen kay Rabiya, naging man-hater daw ito simula nang inulan ng mga batikos sa pagpuna sa gobyerno at di pinalad na mapasok sa top10 sa Miss Universe Pageant.



Deny to death ang byuti ni Rabiya sa akusasyon sa kanya. At sadyang di lang niya feel sa ngayon ang pumasok sa panibagong relasyon.

“Maybe it’s because I’m still enjoying the fact that I’m putting my career first, and I might not be able to do it all at once,” say ni Rabiya.

Sa ngayon ay bisi-bisihan si Rabiya sa bago niyang show  kasama si Sen. Bong Revilla, Jr, ang Book 2 ng “Agimat ng Agila” na magsisimula nang mapanood sa pagpasok ng bagong taon.

Natanong tuloy si Rabiya kung happy ba naman siya sa pagiging single niya nowadays.

At kung willing din ba siyang magkaroon ulit ng karelasyon?



“Now, I’m happy, but it doesn’t mean that I have someone with me. Maybe I’m happy because I know I’m stable and, should anyone come into my life, I guess now, I’m ready to know that person,” dagdag pang say ni Rabiya.

***

MUKHANG tuluyan nang magkakabalikan ang mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn Uytingco. Kinarir na ng husto ni Alwyn ang panliligaw sa misis para mabuo muli ang kanyang pamilya lalo pa nga’t its Chrismas Season.

Binibigyan din naman ng pansin ni Jennica ang panunuyo ng mister at nag-e-effort din sumagot sa mga communication nilang mag-asawa.

Isang patunay na nalalapit na ang muling pagsasama nina Jennica at Alwyn ang  pag-post ni Jennica sa kanyang social media account ng isang larawan na masaya silang kumakain sa isang restawran kasama ang dalawa nilang anak na sina Athena Mori and Alessi.

Agad naman itong kinomentuhan ni Alwyn ng simpleng tatlong emoji heart ang inilagay niyang caption.

Sa masayang pangyayari sa pamilya ni Jennica, ang tanong ng kanyang mga fans, itutuloy pa kaya ng Kapuso actress ang kanyang pagsho-showbiz, lalo na’t naging kapansin pansin ang pag-improve ng akting ni Jennica lalo na sa huling proyekto niya sa GMA7 na isa siyang kontrabida, ang “Las Hermanas”?