Advertisers

Advertisers

Covid update: 582 bagong kaso; 494 gumaling; 74 nasawi

0 215

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 582 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Biyernes, Disyembre 17.

Samantala ay mayroon namang naitalang 494 na gumaling at 74 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.4% (10,167) ang aktibong kaso, 97.9% (2,776,727) na ang gumaling, at 1.78% (50,570) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, 4 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 15, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad din na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)