Advertisers
Posibleng ang motibo sa pamamaril sa brodkaster ng dalawang hindi pa nakilalang lalaki dahil sa pagiging palaban nito sa smuggling ng mga gulay sa Cebu City.
Batay sa natanggap na impormasyon ng Presidential Task Force on Media Security (PTFMS) mula sa miyembro ng media, si Rico Osmeña, blocktimer ng radio station DYLA na may programang “Karun Sugbo” na ineere 11:00 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes, kilalang bumabanat sa mga nangyayaring smuggling ng gulay sa lalawigan.
Kinondena naman ni PTFMS Executive Director, Undersecretary Joel Sy Egco ang ginawang pag-atake kay Osmeña kasabay nang kahilingan sa Philippine National Police Regional Office na gamiitn ang mga available manpower at resources upang maaresto ang mga salarin.
Ayon kay Egco, malaki ang posibilidad na may kinalaman sa pagiging ‘hard-hitting commentator’ ang motibo sa pamamaril sa brodkaster.
Pinaalalahanan naman ni Egco ang mga broadcasters, partikular ang mga blocktimers na maging vigilant o mapagmasid.
Nabatid kay Maj. Edgar C. Labe, station commander ng Police Station 3 sa Cebu City, pinagbabaril si Osmeña hanggang sa mapatay habang sakay ng minibus sa Urdaneta St. sa Barangay San Roque, Cebu City, 12:30 ng hapon nitong Huwebes.