Advertisers
Puro reklamo ang inaabot ng Manila Traffic & Parking Bureau (MTPB) pagdating sa “No Contact Apprehension”.
Bukod sa hindi makatarungan para sa mga may-ari ng mga sasakyan na nagagamit ng ilang mga driver na gumagawa ng traffic violation,
problema din ang pagko-contest sa mga violation na hindi naman sila ang gumawa.
Bagama’t sa kanya naka-pangalan ang sasakyan pero hindi s’ya ang nakagawa ng violation,siya pa rin ang obligadong magbayad sa kasalanang hindi nya ginawa.
Ayon sa ating source, sinibukan magreklamo at makiusap ng biktima at ipaliwanag ang kanyang hinaing sa Room 350 opisina ng MTPB ngunit ang sagot ng isang alyas Dondon ng nasa loob ng nasabing tanggapan ay wala silang magagawa.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang biktima na walang alam sa violation na ipinapasagot sa kanya.
Nang tanggapin ng kawawang biktima ang traffic violation na hindi naman n’ya ginawa, agad itong nagpunta sa (EDP) Electronic Data Processing Division upang bayaran nga ang nakalagay na kung magkano ang kanyang lumalabas na violation, Nagulat na lamang ang biktima na halos kalahati ng bayarin sa violation ang penalty na sinisingil sa kanya.
Tinanong nya kung bakit may penalty na ganun kalaki samantalang nalaman niya lang ang violation niya dahil nagpaparehistro siya ng kanyang sasakyan, kaya nagtanong ang biktima na bakit wala man lang notice mula sa kanilang tanggapan?
Ang sagot ay makipag usap na lang sa room 350, kaya ang biktima ay umakyat ulit sa MTPB opis Room 350 para alamin bakit may mga penalty na naka-charge gayung wala naman siyang alam na violation or notice na natatanggap mula sa kanilang tanggapan (MTPB).
Ang sagot ni alyas Dondon, nagpadala daw sila at return to sender ang lumalabas dahil hindi ma-locate ang kanyang address kaya binanggit ng biktima ang address tama naman sa sinasabing address pero return to sender pa rin.
Agad nagsabi ang biktima, sa tagal na niyang nakatira sa address since birth at sa dami ng mga natatanggap niyang letters,bills etc tanging ang “No Contract Apprehension violation notice lang ang hindi nakarating.
Ang sagot ni alyas Dondon, wala po tayong magagawa sasakyan n’yo po ‘yan at return to sender ang nakalagay dito.
Parang wala kang choice sa mga ganitong sitwasyon kundi tanggalin at bayaran ang violation ng iyong sasakyan at lunukin ang mga penalty na ikinakarga nila sayo.
Maikukumpara talaga ng ilang mga nagrereklamo ang violation ng Manila City Hall sa MMDA, unang una na, napakataas ng mga charges sa violation ng City of Manila kumpara sa MMDA, pangalawa kahit gaano pa katagal ang violation dahil hindi nga naman lahat nakakatanggap ng notice wala din penalty sa MMDA kumpara sa MTPB.
Dapat maging sentralisado ang mga violation ng bawat lungsod sa MMDA dahil nagiging mitsa ito ng kurapsyon.
Katulad na nga lang ng na-experience ng ilang biktima na kayang burahin ang mga violation sa loob!
Ayon sa ating source, una kung may kakilala ka sa kanila, pangalawa depende sa puwedeng maging laman ng kanilang bulsa.
Ibig sabihin,napakarami palang mukhang pera dyan sa MPTB.
Di puwede ang pakiusap at pagpapaliwanag?
Ang buttomline,LAGAY pa rin. Ang akala ko ba,matino ang pamamalakad ni yorme Isko dyan sa Lungsod ng Maynila.
Napakarami palang alagang BUWAYA nitong si Isko na nagmamalaking pronto at mabilis kumilos.
Saan kaya mabilis ang mga Bata ni Yorme dyan sa MTPB?
Sa delihensiya ba at pamemera sa mga walang kalaban laban mamamayan?
Nagtatanong lang po Mr.President wannebe!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com