Advertisers

Advertisers

P2.5M tulong ng Maynila sa mga biktima ng bagyong ‘Odette’ sa Visaya at Mindanao

0 386

Advertisers

NAGLAAN ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng halagang P2.5 million para sa mga biktima ng bagyong ‘Odette’ sa Visaya at Mindanao.

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno, na nagpasalamat din kay Vice Mayor at Council Presiding Officer Honey Lacuna, majority floorleader Joel Chua, president pro tempore Jong Isip at sa lahat ng city councilors para sa mabilisang pagpasa ng resolusyon na nagbigay daan para sa paglalaan ng nasabing halaga.

Ayon kay Moreno, ang nasabing P2.5 million, P1 million dito ay ilalaan sa Cebu habang ang mga probinsya ng Bohol, Leyte at Surigao del Norte ay bibigyan ng P500,000 bawat isa.



Nabatid kay Lacuna, na matapos na humiling si Moreno ng special session ay agad niyang ipinatawag ang buong konseho ng Maynila para sa mabilis na pagpasa ng resolusyon nang walang pagtutol.

Tulad din ng alkalde, sinabi ni Lacuna na siya sampu ng buong Manila City Council ay labis na nakikisimpatiya sa mga pamilya nawalan nang mahal sa buhay at nawalan ng tirahan dahil sa bagyo.

Umapela rin si Moreno ng donasyon sa mga pribadong mamamayan na magbigay ng tulong sa pamamagitan ng donasyon sa isang fund-raising campaign na kanyang inilunsad at sinabing isang malaking bagay na ang makaligtas sa pananalanta ni Odette para magbigay ng tulong.

Ayon pa kay Lacuna, hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ng tulong ang lungsod ng Maynilla sa mga biktima ng kalamidad. Binaggit ng bise alklade n noong pumutok ang Bulkang Taal at nagkaroon ng malawakang baha sa Cagayan at Marikina ay tumulong ang pamahalaang lungsod ng Maynila.

Maging sa responde sa pandemya, sinabi ni Lacuna na na inutos ni Moreno na pairalin ang ‘open policy’ sa lungsod uoang maging ang mga hindi taga-Maynila ay makinabang sa libreng swab tests, hospitalization, mass vaccination at anti-COVID medicines na ubod ng mahal at mahirap hanapin tulad ng Tocilizumab, Remdesivir at Molnupiravir.



Maliban sa financial assistance mula sa city government, umapela rin si Moreno sa mga Manilenyos na magsagawa ng fund drive upang makatulong sa relief efforts para sa mga biktima ng bagyong Odette.

Sa nasabing resolusyon, sinabi ni Lacuna na labis na nalulungkot ang on, City Council sa pinsalang dinulot ng bagyo na nagresulta sa pagkawala ng buhay, pagkasira ng mga bahay at pagkawala ng kabuhayan lalo na’t paparating ang Pasko.

“The City Government of Manila, through the Honorable City Mayor Francisco “IskoMoreno” Domagoso, in the act of benevolence and solidarity, extends a hand to provide the Provinces of Surigao Del Norte, Cebu, Bohol and Leyte financial assistance,” ayon sa resolusyon.

Idinagdag naman ni Chua na nakita ng alkalde at ng City Council ng Maynila ang pangangailangan na magbigay ng financial assistance sa mga probinsya ng Cebu, Surigao Del Norte, Bohol at Leyte at ito ay alinsunod sa rekomendasyon ng National ar Regional Disaster Risk Reduction Management Council.

Ang pondo ay kukunin mula sa Office of the Mayor Donation Account na may Account Code 5-02-99-080 at awtorisado ng Ordinance No. 8702, na kilala din bilang Executive Budget for fiscal year 2021. (ANDI GARCIA)