Advertisers

Advertisers

Ampon umamin utak sa pagpatay 2 anak ng prinsipal

Nag-ampon ng ahas!!!

0 848

Advertisers

NAGKAROON na ng linaw ang pamamaslang kamakailan sa magkapatid na sinasabing anak ng school principal sa probinsya ng Cotabato nang umamin ang ampon ng pamilya na siyang utak sa krimen.

Umamin ang salarin na si Janice, ampon ng pamilya-Maguad, na siya ang mastermind sa pagpatay kina Gwynn at Crisville sa kanilang tahanan sa Purok San Isidro, Barangay Bagontapay, M’lang, Cotabato.

Lumilitaw na galit, inggit at selos ang nagtulak kay Janice para patayin ang magkapatid.



Maliban sa report, tumanggi na ang Special Investigation Task Group Maguad na ilabas sa publiko ang pagkakilanlan ng iba pang salarin dahil patuloy pa nilang hinahanting ang mga kasabwat ni Janice sa karumal-dumal na krimen.

Ang magkapatid ay pinaslang Biyernes ng gabi, Disyembre 10, sa kanilang tahanan sa Barangay Bagontapay habang wala ang kanilang mga magulang.

Sa inisyal na report, lumitaw na pagnanakaw ang motibo sa krimen nang pasukin ng tatlong salarin ang bahay ng pamilya Maguad.

Samantala, ayon kay Lovella Maguad, ina ng mga biktima, inalagaan ni Crizzle Gwynn si Janice at itinuring niya ito bilang tunay na kapatid. Ibinigay rin ni Crizzle Gwynn ang pangangailangan ni Janice at sinuportahan nila ito.

Binigyan din umano nila ng assurance si Janice na pag-aaralin nila ito hanggang sa kolehiyo.



Hindi lamang si Crizzle Gwynn ang tumuring kay Janice bilang kapatid kundi maging ang isa ring biktima na si Crizville Luois, ayon sa ama na si Cruz Maguad, ibinigay nito ang kanyang kuwarto para kay Janice at piniling matulog sa sala.

Isang working student si Janice na nakatira sa bahay ng mga Maguad simula Hulyo 2021. Nagpaalam ang biktima na si Crizzle Gwynn sa kanyang mga magulang na patirahin si Janice sa kanilang bahay dahil umalis umano ito sa tita niya.

Noong una, ayaw ni Lovella dahil ayaw niyang makigulo sa kung anuman ang problema sa pagitan noong tita at ni Janice. Pero kalaunan tinanggap niya ito dahil naaawa rin ito kay Janice.

Sinabi ni Lovella, wala naman silang nakitang hindi kaaya-aya kay Janice noong una.
“So far at first she’s nice and she’s very respectful actually. Kapag nakikita niyang dumadating ako, tinutulungan niya ako sa mga bitbit ko tapos nagble-bless siya.

Kapag sa bahay naman okay siya, nagluluto siya pati na rin sa umaga,” kuwento ng ina ng mga biktima.

“And then lately lang, ang napansin ko sa kanya nung mga last two weeks siguro.

Parang wala na siya natatrabaho dito sa bahay and nag-complain ako sa kanila–bakit ang laundry ang taas at yung kwarto niyo sobrang dumi, sabi ko ano ba ginagawa niyo.’Yung mga ref hindi nalilinisan pati narin yung cabinet,” aniya pa.

“So silang tatlo yung pinagsabihan ko, ikaw boyboy anong ginagawa mo pati ikaw ate, then sabi ko i-cut muna yung time mo dyan sa laptop mo kasi parang nauubos na yung time niya sa laptop. Sabi ko dapat maglaan ka ng time in the morning to do the housework…” paglalahad pa ni Lovella.

“Tapos napansin ko sa kanya [Janice], ang ginagawa niya nalang ay magluto.

Pagkatapos niya magluto dumidiretso na agad sa kanyang kwarto. Sa gabi, tatanungin niya ako kung gagamitin ko ba ang laptop sabi ko hindi naman. Ganoon na yung nangyayari every night. Nag-iba siya,” ayon sa ina.

Noong Disyembre 3 at 4, sinama ni Lovella ang kanyang pamilya maging si Janice patungong General Santos kasama nila ang mga kapwa guro nito.

Dumating sa punto na mayroong picture taking na kungsaan umamin si Lovella na ayaw niyang pasamahin si Janice sa naturang picture.

“And then noong picture taking, during that time I didn’t want na mag-join siya sa amin,” pahayag ni Lovella na naramdaman niyang na “feel bad” si Janice.

“Sabi ko, Nice kami na munang apat tapos later ka na mag-selfie ka lang muna. Sa dami naming pictures, dalawa lang yung wala siya. Which is siguro naiba yung feeling niya,”

Dumating din ang punto na hindi niya gustong sumama si Janice.

“Na-hurt siguro siya. In-apply na niya siguro na she is already part of the family,” aniya pa.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng Social Welfare and Development Office sa M’lang, North Cotabato si Janice dahil menor de edad ito at nahaharap sa kasong murder.