Advertisers
Pinasalamatan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga donors at supporters na tumugon sa kanyang panawagan na tumulong para sa mga biktima ng bagyong Odette matapos na bumuhos ang donasyon matapos ilunsad ang donation drive ng pamahalaang lungsod.
Daan-daang sako ng bigas at kahon-kahong food nationals ang dinala sa repacking stations sa P. Noval Street kung saan abala naman ang mga volunteers sa pagrerepak para sa agarang distrbusyon sa mga napaektuhan ng bagyo.
Nito lamang Biyernes nang ilunsad ng alkalde ang “Tulong ng Manilenyo sa mga Nasalanta ni Odette” donation drive at umapela sa mga residente sa Maynila at mga negosyante na magbigay ng tulong para sa mga komunidad sa mga rehiyon na sinalanta ng super typhoon.
“Maraming Salamat sa mga nagpadala ng tulong! Tuloy tuloy po ang ating isinasagawang Bayanihan para sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao,” ayon sa post sa kanyang Facebook page .
Pinasalamatan din nito si Dr. Honey Lacuna, at City Government Council for para sa agarang pag-apruba sa paglalaan ng P2.5 million assistance para sa recovery efforts sa mga lugar na nasalanta ng pananalasa ng bagyo sa Cebu (P1 million), Bohol (P500,000), Leyte (P500,000), at Surigao del Norte (P500,000). (Jocelyn Domenden)