Advertisers
HINDI nakaligtas sa mga awtoridad ang apat na gun runners at masamsam sa kanila ang ilang baril, granada at mga bala sa bayan ng Rodriguez (Montalban), Rizal.
Kinilala ni Police Lt. Colonel Marcelino Pipo Jr, hepe ng pulisya, ang nadakip na sina Whaldyn Ban, 33 anyos, ng Navarro Compound; Isagani Villacorte, 4, contractor ng Kasiglahan Village; Bonifacio Gomez, 45; at Jay Ar Ganceña, nasa hustong gulang; kapwa nakatira sa Mayon St, Amityville sa Ridriguez.
Nasamsam sa mga ito ang 3 kalibre .45 pistola, 2 magazines, 20 bala, 2 handgrenades, 17 boodle money na tig- P1,000.00, isang Kawazaki Raider at Samsung cellphone.
Dakong 6:30 ng hapon ng Disyembre 19 isinagawa ang combined operation ng intelligence at investigation sa pamumuno ni Lt. Fernan Romulo sa Theresa Heights Subd., Metro Manila Hills, Brgy., San Jose, Rodriguez.
Nakapiit na ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng paglabag sa RA 10591 (Gun Running) at RA 8294.(Edwin Moreno)