Advertisers

Advertisers

TAPYAS SA BDP BUDGET PELIGRO SA MGA NPA-CLEARED BARANGAYS – DILG

0 334

Advertisers

INILAGAY sa panganib ng Bicameral Conference Committee (Bicam) ang mga barangay na naalis na sa kamay ng mga komunistang-terorista nang tapyasan nito ang 2022 ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ito ang pahayag kahapon ng Department of Interior Local Government (DILG).

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng NTF-ELCAC, ang malaking binawas sa budget ay makakaapekto sa Barangay Development Program (BDP), at kailangan mapagpulungan agad ng Task Force upang magawaan ng paraan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan kasama dito, kung paano tutuparin ang mga ipinangako nito sa mga barangay. Dahil na rin sa pangambang maaring mabalik ang mga barangay sa kamay ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sinabi ni Malaya na maaaring may mga barangay na di na mabigyan ng BDP funds o kaya naman ay bawas na pondo na lamang ang matanggap, dahil nga sa laki ng ibinawas ng mga mambabatas na kabilang sa Bicam.



Dagdag pa ni Malaya, ang mga proyekto ng BDP sa susunod na taon ay mapupunta sana sa 1,406 mga barangay na dumaan na sa mahabang proseso kung ano ang mga unang nais nilang pangangailangan na mailagay sa kanilang mga lugar.

“So ang mangyayari po nito ay imbes na complete package ang makukuha nila. Kung humihingi sila ng kalsada, school building at water sanitation systems, baka ang maipagawa na lang po natin ay kalasada. But, in any case, there will be a dramatic reduction in the projects that will be implemented by government,” ang paliwanag ni Malaya.

“BDP is not a pork barrel projects,” pagdidiin pa ng opisyal dahil nga raw may 2,318 ‘on-going projects’ na sa mga ‘conflict-affected barangays’ para talikuran nila ang panghihikayat at pagmamalabis ng CPP-NPA-NDF matapos pagtulungan ng military at pulis na mapalayas ang mga rebelde.

“Ako mismo ang bumisita dito at napuntahan ko ang mga proyektong ito. I saw for myself the benefit of these programs para sa ating mga kababayan. So these projects are very, very important to the barangays that are BDP beneficiaries. But it (P17.1 billion) is a far cry from the P28.1 billion for the 1,406 barangays (programmed to be beneficiaries) for 2022. The implementation is that we reduce the number of barangays or reduce the budget per barangay. Ipinangako na ng pamahalaan ito kailangang tuparin,” ang sabi ni Malaya.

Samantala, si Davao de Oro Governor Tyron Uy, na may mga barangay din na umaasang mabibigyan ng pondo sa ilalim ng BDP, ay nagsabi na kahit ikinatutuwa niya na nrinig ng mga mambabatas ang mga panawagang ng mga lokal na opisyal na gaya niya ay di pa rin sapat ang inaprubahng budget para sa BDP.



“It was a bitter sweet victory. From the P4 billion earlier allocation, naging more or less P18 billion. But not fully restored budget. And through our voices, our plea were heard by our legislators,” ang pahayag ni Uy.

Ang malaking pagkakabawas sa budget ay sonundan pa ng pananalasa ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao regions, kabilang na ang lugar nila Governor Uy.

“This may be an opportunity for the enemies of the state to push their agenda,” ang sabi ni Uy na ikwinento pa ang kanilang karanasan noong 2013 kung saan ang bagyong Pablo ay naging oportunidad pa para sa CPP-NPA-NDF na mga impluwensiya sa mga barangay na binayo ng bagyo.

“During that time nag-start ang Salugpungan. The insurgents masking themselves na tututlong sa mga pag-aaral ng mga kabataan na magbigay ng mga paaralan end up in recruiting our youth as child warriors. I am not speaking only in my province!” ang kwento ni Uy.

Dagdag din ng gobernador, siya ay umaasa na sana ang pamana ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte na makapagbigay ng tunay na kapayapaan at kasaganaan sa mga malalayong barangay ay magtuloy-tuloy pa.

Para kay Uy, ang malaking bawas sa budget ng BDP ay isa na namang “battle to hurdle” kaya’t siya ay nanawagan sa iba pang mga LGUs na magsama-sama at magtulungan na lamang.

Sa pagpapatupad ng bawas na pondo ng BDP sa susunod na taon, sinabi ni Uy na wala silang magagawa kung di ang pagkasyahin na lamang ito kahit kulang-kulang ang maibigay na tulong sa kanilang mga barangay.

“We just have to prioritized (projects) na makakapagbigay ng malaking impact,” ang sabi ni Uy.