Advertisers

Advertisers

3.4-M COVID-19 vaccines dumating sa bansa

0 200

Advertisers

UMABOT sa mahigit sa 3.3 million COVID-19 vaccine doses ang tinanggap ng Pilipinas mula sa donasyon ng Estados Unidos at bansang France na idinaan sa pamamagitan ng United Nations at WHO COVAX vaccine-sharing program.

Nabatid na ang panibagong shipment ng covid-19 vaccines ay lumapag pasado alas-6:00 Martes ng umaga sakay ng Emirates flight EK334 sa Ninoy Aquino International Airport.

Kabuuang 1,623,960 doses ng Pfizer brand mula sa Amerika ang dumating habang nasa 1,697,000 shots naman ng AstraZeneca na nanggaling sa France.



Noong Lunes nagpadala rin ang gobyerno ng Amerika ng 1.7 million vaccine shots para makumpleto ang donasyon na 3.4 million jabs.

Sa ngayon umaabot na sa 190 million na mga bakuna ang natanggap ng Pilipinas.