Advertisers
MANGANGALAP ng sampung bilyong pisong pondo si Pangulong Rodrigo Duterte para ipang-ayuda sa mga nabiktima ng Bagyong Odette.
Sinabi ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Carlo Nograles, ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ang pagbisita sa Kabankalan City, Negros Occidental nitong Lunes.
“President Duterte also vowed to raise additional funds, estimated at P10-Billion, for the rehabilitation and recovery efforts in the typhoon-affected areas,” ayon kay Nograles.
Binigyan ng situation briefing nitong Lunes ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose “Bong” Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang aerial inspection kasama si Senador Bong Go.
Pahayag ni Nograles, agad na inatasan ng Pangulo ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan na tugunan ang pangangailangan ng local government units ng Negros Occidental at Negros Oriental.
Ayon kay Nograles, patuloy na magbibigay ng family food packs, tubig at shelter assistance ang Department of Social Welfare and Development para sa mga nawalan ng tahanan.
Pangalawa, ayon kay Nograles, magbibigay ang Department of Human Settlements and Urban Development at National Housing Authority para sa mga residente na nasira ang bahay na partially at totally damaged.
Imomonitor aniya ng Department of Trade and Industry ang ulat na may pagtataas ng presyo ng gasolina pati na ng mga generators. Nabatid na dumoble na ang presyo ng gasolina at generator sa lugar.
Magbibigay din aniya ang Department of Agriculture ng agricultural assistance sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng bagyo.
Sinabi ni Nograles, ipa-mimigay at gagawing mater-yales sa paggawa ng bahay ng Department of Public Works and Highways ang mga natumbang puno.
Double time aniya ang Department of Energy sa pagbabalikng suplay ng kuryente sa lalong madaling panahon.
Sinabi pa ni Nograles, double time rin aniya ang Department of Information and Communications Technology para maibalik ang linya ng komunikasyon at internet sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo. (Vanz Fernandez/Josephine Patricio)