Advertisers
KINUMPIRMA ng Commission on Elections (Comelec) na na-raffle sa First Division ang tatlong disqualification case laban kay Presidential aspirant at Sen. Bongbong Marcos.
Kabilang na rito ang petisyon na inihain ni Bonifacio Ilagan ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) kasama ang ilang religious at youth rights advocates.
Mga petisyong inihain ng Akbayan Citizens’ Action Party at ang petisyon ni Abubakar Mangelen.
Isasagawa naman daw ng First Divison ang preliminary conference sa Enero 7, 2022.
Nag-ugat ang disqualification case laban kay Marcos dahil daw sa hindi nito pagbabayad ng buwis.
Sa kanilang petisyon, sinabi ng grupo na convicted daw si Marcos ng walong beses ng Quezon City Regional Trial Court, Branch 105 noong 1995 dahil sa kabiguang maghain ng income tax returns bilang governor ng Ilocos Norte para sa taong 1982 hanggang 1985.
Maliban dito, sinabi ng grupo na bigo rin umanong magbayad ang dating senador ng kanyang deficiency taxes.
Kinumpirma rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagbayad si Marcos ng kanyang obligasyon sa pamamagitan ng kopya ng BIR payment forms na may numerong 0605 at 1904. (Josephine Patricio)