Advertisers
Matapos mamigay ng relief sa Plaridel nitong December 7 at 8 si Senator Christopher “Bong” Go ay dinayo at inayudahan naman ng koponan nito ang bayan ng Calamba sa Misamis Occidental bilang pagtulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 PANDEMIC.
Ang koponan ni Go ay namahagi ng snacks at masks sa may 3,000 residente sa gymnasium ng munisipyo noong December 10 at 11. Namahagi rin sila sa mga piling residente ng mga bisekleta at computer tablets para sa mga anak nilang nagsisipag-aral.
Ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development ay namahagi ng financial assistance sa mga residente at ang Department of Trade and Industry at ang Technical Education and Skills Development Authority ay namili ng mga magiging benipesaryo ng kanilang livelihood assistance at scholarship programs.
Si Go na naninilbihan bilang head ng Senate Committee on Health and Demography ay hinikayat nito sa kaniyang video message ang mga residente na sumunod sa mga ipinaiiral na health and safety measures para sa kapakanan ng kanikanilang mga pamilya laban sa covid pandemic.
“Tandaan natin na kapag bumaba ang bilang ng mga nagkakasakit sa ating komunidad, mas luluwag ang mga restrictions at makapagbubukas na muli ang ibang mga industriya. Dadami ulit ang trabaho at lalago ang kabuhayan ng mga Pilipino. Iyan po ang gusto nating marating sa susunod na taon,” saad ni Go.
“Kaya let us remain vigilant at sumunod sa mga patakaran. Huwag din nating sayangin ang oportunidad na maproteksyunan ang ating sarili gamit ang bakuna na available naman po para sa inyo,” dagdag pa ni Go.
Nag-alok din ng karagdagang assistance si Go para sa health-related concerns, na makakuha ang mga ito ng serbisyo mula sa Malasakit Center, Doña Maria D. Tan Memorial Hospital (DMDTMH) na nasa Tangub City o sa Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center ng Ozamiz City.
Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop para sa medical assistance programs ng government, lalo na ang the DSWD, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang assistance ay para sa medicines, surgeries at iba pang patient services at expenses.
Ang programa ay nalikha sa bisa ng Republic Act No. 11463 o ang “Malasakit Centers Act of 2019,” na inakdaan at inisponsoran ni Go.
Sa pagtatapos ng event ay pinsalamatan ni Go ang mga local officials ng Calamba town sa kanilang efforts at pagsuporta sa kanilang mga residente.
Nangako rin itong ipagpapatuloy ang pagsuporta sa mga proyekto ng naturang bayan tulad ng development ng Calamba Provincial Hospital; concretion of the Andres Intong Street at ang road leading to the New Calamba District Jail sa Barangay Northern Poblacion; at concretion ng Lower Langub Road sa Barangay Langub.
Ang iba pang inisyatibang sinuportahan ni Go ay ang rehabilitation of roads sa Aloran, Bonifacio, Don Victoriano, Jimenez, Sapang Dalaga, Tudela, Sinacban at Ozamiz City; construction of multipurpose buildings sa Concepcion, Jimenez, Plaridel, Tudela, Oroquieta City, Ozamiz City at Tangub City; construction of an eco-tourism highway; installation of solar street lights sa provincial roads; at infrastructure development ng DMDTMH.
Ang pamamahagi ng relief ay isinagawa by batches bilang pagtiyak sa strict compliance para sa health and safety protocols against COVID-19.