Advertisers

Advertisers

1 sangkot sa pagnanakaw ng P30m sa Pasig, sumuko

0 438

Advertisers

SUMUKO na sa Pasig City Police Office ang isa sa mga sangkot sa pagnanakaw ng 30 milyong piso mula sa mag-live in partner na Japanese national at Pinay sa Pasig City noong Sabado.

Sumuko sa lokal na opisyal ng Bulusan, Sorsogon ang suspek na si Galan Roel na itinurn-over naman sa Bulusan Municipal Police Office noong Disyembre 21.

Ayon kay Bicol Regional PNP Spokesperson, Major Malou Calubaquib, sumuko nitong Miyerkoles si Roel at dinala muna ito sa Regional Mobile Force Battalion 5 at dinala sa Bicol International Airport para ibalik sa Maynila.



Kabilang si Roel kasama ang 4 na Pulis Taguig at isang sibilyan na rumansak sa kaha de yero o vault ng biktimang Hapones kung saan nilimas ang laman nitong 30 milyong piso.