Advertisers

Advertisers

Truck nahulog sa bangin: 2 patay

0 260

Advertisers

NAGKALASUG-LASUG ang katawan ng driver ng trak at isa sa kanyang pahinante, habang isa naman ang sugatan nang mawalan ng preno at mahulog sa mataas na bangin ang kanilang sasakyan sa Sitio Tingtingon, Barangay Genorangan, Camarines Sur, Martes ng hapon.

Isinugod ng rescue team sa San Jose Rural Health Unit ang mga biktima pero dineklarang dead-on-arrival si Joey Climaco Singson, 54 anyos, driver, ng Brgy. Danlog, San Jose; at pahinanteng si Salvador Maleniza, ng Brgy. Caraycayon, Tigaon.

Sugatan namang dinala sa Partido District Hospital ang isa pa sa pahinante na si Rodel Bono Dadis, 36, ng Brgy. Binauahan.



Sa ulat, 2:00 ng hapon, kargado ng kalahating mix-cement ay binabagtas ng transit mixer truck na minamaneho ni Singson ang kahabaan ng highway patungong bayan ng Garchitorena upang mag-deliver ng hinalong semento.

Gayunman, pagdating sa pakurba at palusong na bahagi ng kalsada, nawalan ng preno ang truck dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela si Singson at diretsong nahulog sa bangin na may taas na 40 talampakan.

Maingat na naiahon ng rescue team mula sa bayan ang mga biktima na nabaon pa sa putik at agad dinala sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay.