Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 288 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Huwebes, Disyembre 23.
Samantala ay mayroon namang naitalang 270 na gumaling at 65 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.3% (9,251) ang aktibong kaso, 97.9% (2,777,671) na ang gumaling, at 1.80% (50,981) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 21, 2021 habang mayroong 11 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 13 labs na ito ay humigit kumulang 9.1% sa lahat ng samples na naitest at 4.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)