Advertisers
Arestado ang tatlong katao nang masabat sa isang checkpoint at mabisto ang dala nilang marijuana at ecstasy na nagkakahalaga ng P4,800,000.00 sa Bantay, Tabuk ng Kalinga.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Mark Anthony Comia, 29, residente ng Novaliches, Quezon City; Edward Dela Cruz, 35, residente ng San Roque, Navotas City; at Yarielle Lacambra, 22, residente ng Bahay Turo, Quezon City.
Nabatid na pinara ng mga pulis na naka-duty sa checkpoint ang sasakyan ng mga suspek nang mapansin na wala itong plate number at hindi naka-seatbelt ang mga pasahero.
Napansin ng mga otoridad ang isang kahinahinalang bagay sa loob ng sasakyan agad silang nagsagawa ng inspeksyon.
Sa tulong ng drug-sniffing dog, agad na nabuko o nabisto ang dala nilang 40 bricks ng marijuana at ecstasy tablets.
Agad na inaresto ng mga otoridad ang tatlo nang mabisto ang mga dala nilang kontrabando.
Tangka sanang ibiyahe ng tatlong suspek ang mga dala nilang mga marijuana tablets at ecstasy papuntang Metro Manila.