Advertisers

Advertisers

2 ‘barurot boys’ todas sa salpukan ng motorsklo

0 380

Advertisers

DALAWANG estudyante na itinuturing na “barurot boys” ang nasawi nang masangkot sa malagim na vehicular accident sa kahabaan ng Provincial Road Purok 5, Iraga Solana, Cagayan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jexter Bariuan, 20 anyos; at Vicente Trinidad, 16, ng Nangalasawan, Amulung West.

Sa report ng Solana Police Station, sumalpok ang minamanehong scooter ni Bariuan nang sakupin ang linya ng kasalubong na kulay pulang China-made motorcycle na minamaneho ni Trinidad. Nangyari ang aksidente 9:35 ng gabi.



Nakaligtas ang backrider ni Trinidad na kanyang pinsan na si Christopher Trinidad, 17.
Hindi binanggit sa report kung nakainom ng alak ang nasabing mga indibidwal o kung may suot na helmet o wala ang mga ito nang mangyari ang malagim na aksidente.