Advertisers

Advertisers

Lineman tusta sa kuryente

0 451

Advertisers

NASAWI ang isang lineman habang sinusubukang ibalik ang suplay ng kuryente sa Tanjay, Negros Oriental.

Kinilala ang biktima na si Ronald Gallarde, isang trimmer ng Negros Oriental Electric Cooperative (NORECO) II Tanjay City sub-office.

Sa ulat, nakuryente si Gallarde ng isang live wire habang tina-tap ang isang service drop wire na nagresulta sa kanyang kamatayan.



Ang mga power supply interruptions ay bunga ng pananalasa ng bagyong Odette kungsaan nag-landfall ito sa bayan ng La Libertad sa Negros Oriental noong Disyembre 17.