Advertisers
INANUNSYO ng Department of Finance (DOF) na uutang ang pamahalaan ng $80 million, o nasa P4 billion, mula sa standby loan facility ng World Bank para mapondohan ang relief at rehabilitation efforts sa mga lugar na hinagupit ng Bagyong Odette.
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, manggagaling ang perang uutangin ng Pilipinas mula sa $500-million disaster-financing loan ng World Bank.
Karagdagang $120 million, o nasa P6 billion, ang uutangin din mula sa kaparehong credit line sa unang linggo ng Enero 2022 sa oras na maging available na ang loan cover sa 2022 national budget.
Nabatid na ang loan facility na ito ay inaprubahan ng board ng World Bank noong nakaraang linggo.
Bahagi ito ng Disaster Risk Financing Insurance (DRFI) strategy ng Pilipinas na naglalayong mapanatili ang sound fiscal health ng bansa, magkaroon ng sustainable financing mechanisms para sa mga local government units, at mabawasan ang impact sa mga mahihirap at vulnerable.
Bukod dito, sinabi rin ni Dominguez na ang development na ito ay magpapalakas sa kapasidad ng bansa na ma-manage ang risks mula sa climate change, natural disasters, at disease outbreaks.