Advertisers
NASAWI ang mag-asawa nang masalpok ng isang delivery van sa Qurino Highway, Barangay Santa Cecilia, Tagkawayan, Quezon, Linggo ng gabi.
Kinilala ang mag-asawang nasawi na sina Policarpio at Delia Oliva, mga residente ng Del Gallego, Camarines Sur.
Sugatan din ang driver ng delivery van na si Orlando Jualo na nilalapatan ngayon ng lunas sa pagamutan
Base sa report ng Tagkawayan Municipal Police Station, patungo sa direksiyon ng Maynila ang motorsiklo habang patungo sa Bicol sa delivery van.
Nag-overtake daw ang motorsiklo sa isa pang sasakyan dahilan para masalpok sila ng kasalubong na delivery van.
Sa tindi ng pagsalpok, nawasak ang unahan ang delivery van. Wasak din ang motorsiklo at tumilapon ang dalawang sakay nito.
Nahaharap si Jualo sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property.