Advertisers
ISANG 67-anyos na inmate ang nakapuga mula sa sub-provincial jail sa Calbayog City, Samar nitong Lunes.
Ayon sa PRO-8, sinabi ng inmate na si Julito Dacles na nahihirapan itong huminga kaya pinayagan ng mga prison guard na manatili muna sa lobby malapit sa kaniyang selda.
Nadiskubre nalang ng mga bantay na nawawala na si Dacles.
Natuklasan din na sira ang metal gate sa likod ng pasilidad, kaya’t posibleng dito dumaan ang inmate para makatakas.
Nagsasagawa na ng pursuit operation ang mga awtoridad para mahuli ang preso.
Hinatulan si Dacles ng reclusion perpetua noong September 2020 dahil sa kasong murder.