Advertisers

Advertisers

Gretchen sinalba si Atong sa fake news

0 485

Advertisers

Ni BETH GELENA

GUEST ni Luis Manzano ang amang si Edu Manzano and of course with his new found love actress Cherry Pie Picache sa kanyang YouTube Channel, ang Lucky TV, titled Luis Listens.

Pakilala ni Lus kay Cherry pie ay ang nagpapasaya sa puso ng kanyang  ama.



Sabi naman ni Edu, ang tawag daw ng netizens sa kanilang loveteam ng aktres ay PieDu.

Pinuna naman ni Luis ang kasuotan ng dalawang mahusay na artista, terno kasi sila which is color blue Tshirt with maong pants.

Kaya sambit ni Luis, “kung nakita nyo terno pa sila. Balita ko nga kinansel na ang kontrata ng ibang loveteam ng ABS-CBN.

“Ang KathNiel ngayon ayaw nang lumabas sa kanilang dressing room magmula nang makita nila kayo sa Christmas Special ng ABS-CBN at ang DonDell grabe rin ang fans ng mga yun. Lahat naglipatan na sa inyo,” sambit ni Edu.

Ayon kina Edu at Cherry Pie, 2 decades ago pa ay nag-start na sila on dating.



Sansala naman ni Edu wag naman daw 2 decades parang ang haba-haba naman daw nun sabihin na lang na 20 years ago.. hahaha!”

Ayon sa dalawang A-list sa 20 years na raw nilang pagkilala.ay nanatiling naroon ang friendship nila at hindi yun nawawala.

***

MAY post ang negosyanteng si Atong Ang sa social media hinggil sa aspiring president Bongbong Marcos na trending ngayon.

Aniya: “Mas may tsansa ka pang manalo sa online sabong kesa itaya mo kinabukasan mo kay Bongbong Marcos. Pinaglololoko lang kayo ng BBM na yan.”

Agad namang may sagot si Gretchen Barretto sa umano’y post ng kanyang partner sa online sabong business.

Ani aktres, fake news daw ang post ni Atong.

“FAKE NEWS! HINDI NAKIKIALAM SA POLITICS SI MR. CHARLIE ATONG ANG ITO AY GAWAIN.NG AMING KALABAN SA NEGOSYO.”

Nanawagan pa si La Greta sa mga kaibigan na irepost ang kanyang tinuran.

“To my friends kindly REPOST THIS @pitmastercare Mr. Atong will make a live statement tomorrow (supposedly today coz December 28 ang date.ng post).”

Ang nasabing image ay courtesy sa Instagram: gretchen_barretto.

Heto ang mga komento ng netizen.

“Ang class talaga ni Madam Greta.”

“So bakit sya nagpopost nyan haha”

:Pathetic greta, doing anything pra magkaingay, as usual”

“Hindi tama yang sugal in my opinion. Daming nalululong dyan. Nakakasira ng buhay yang ganyang hanap buhay.”

“Wala namang pumilit sa mga nagsusugal.”

“Kelangan talaga sya ang magsalita for Atong?? Kelan pa sya naging spokes person ni Atong”

“Spokesperson ba siya ni Atong? Lalo lang lumilinaw ang mga bagay bagay.”

Samantala, ang For l The Love boxes.ni La Greta ay nakarating na rin sa mga pamilyang nasalanta ni Super Typhoon Odette.