Sa action films… Mark aminadong matanda na ‘di na puwedeng tagapagmana sa trono ng amang si Sen. Lito
Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
AYON kay incumbent senator Lito Lapid, kung meron man isang taong namana ang passion niya for public service, ito ay ang kanyang anak na si Mark Lapid.
Flattered naman ang actor at dating Pampanga governor sa pagtitiwala sa kanya ng ama.
“Sana ganoon po kadali iyon. Actually, taong bayan po ang maghuhusga niyan at bumoboto. Kung iyong tiwalang ibinigay sa kanya, ibibigay sa akin, maraming maraming salamat. Pero hindi po ganoon kadali iyon,” aniya.
“Pero kahit wala naman po tayo roon, nakakatulong pa rin po tayo dahil todo suporta naman po ako sa mga batas o bills niya,” dugtong niya.
Tungkol naman sa pagpapamana sa kanya ng trono bilang action star ng ama,wala raw siyang iniilusyon na ganoon.
“Matanda na rin po ako. Siguro ipamana na lang niya sa kanyang mga apo,” hirit niya.
Bilang dating producer, ramdam din daw niya ang hirap na pinagdadaanan ng Pinoy movie industry sa panahon ng pandemya.
Katunayan, hindi pa rin daw sila makapag-desisyon kung papasukin na rin ang pagproprodyus ng pelikula para sa online streaming platforms.
Si Mark ay kasalukuyang Chief Operating Officer sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).
Sa pamamagitan daw ng kanyang ahensya, natutulungan niya ang kanyang mga kasamahan sa industrya sa mga rekositos na kailangan sa kanilang shoots sa pakikipagtulungan sa hepe ng Film Development Council of The Philippines na si Chair Liza Dino.
Si Mark ay may cameo role sa upcoming Kapampangan movie na Apag sa direksyon ng Cannes best director na si Brilliante Mendoza.
Kasama ang kanyang amang si Lito Lapid na nakilala bilang Leon Guerrero sa kanyang action movies, si Mark ay endorser ng Pinuno Party List na layuning magbigay ng pabahay para sa masa.