Advertisers

Advertisers

Enrique Gil game na ulit mainlab, childhood sweetheart si Liza Soberano

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio

Handa na ulit mainlab si Enrique Gil matapos ang ilang taon mula nang maghiwalay sila ng dating onscreen at real-life partner na si Liza Soberano.

“I think I’ve just been so closed out for such a long time… I always keep my heart open,” pahayag ng aktor sa vlog ni Karen Davila.

Bahala na umano ang tadhana sa kapalaran ng kanyang love life.

“You know sometimes that’s life, you just keep moving forward and just trust in God whatever comes my way. If He thinks that that’s the person, then you know, so be it,” dagdag niya.

Aminado naman ang aktor na paminsan-minsan ay nagkakausap pa rin sila ni Liza lalo na kapag may mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay.

“I could say we’re not that in touch but we were in touch still at times especially when important things happens in our lives,” aniya.

Tinawag ni Enrique ang aktres bilang kanyang childhood sweetheart.
Matatandaang kinumpirma ni Liza ang kanilang hiwalayan noong nakaraang taon matapos ang halos tatlong taong relasyon.