Advertisers
Ni Anne Venancio
Inamin ni Dawn Zulueta sa panayam ng PeopleAsia na pansamantala siyang hindi tumatanggap ng mga proyekto dahil sa pagod dulot ng mahahabang oras ng trabaho at gabi-gabing taping.
Ayon sa aktres, mas prayoridad niya ngayon ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak na sina Jacobo at Ayisha, na nasa mahalagang yugto na ng kanilang pag-aaral.
Dagdag pa niya, nais niyang samantalahin ang panahon ng pagiging teenager ng kanyang mga anak kaya pinili niyang maging mas present sa kanilang buhay.
Nilinaw naman ng aktres na hindi siya tuluyang nagretiro sa pag-arte kundi nagpapahinga lamang sa ngayon.
Aminado rin siya na nami-miss na niya ang limelight at game itong bumalik sakaling may alok na proyekto na gaganap siyang kontrabida.
Payo naman nito sa mga baguhang artista, huwag kalimutan ang pahinga sa kabila ng kaliwa’t kanang commitment.