Advertisers
NASAWI ang tatlong dalagita nang malunod sa Balili River sa Barangay Upper Bimmutibot, Naguillian, La Union nitong Sabado, Enero 1, 2022.
Dalawa sa mga biktima ang magkapatid habang ang isa pa ay kanilang pinsan.
Sa ulat, ang mga biktima ay edad 14 at 17 at pawang residente ng Brgy. Dagup, Bagulin, La Union.
Sa imbestigasyon ng Naguillian Police, ang mga biktima kasama ang kanilang pamilya ay nagpunta sa Balilli River para mag-picnic.
Matapos mananghalian, sabay-sabay na lumusong sa ilog ang tatlong dalagita para maligo.
Hindi nagtagal, napansin ng mga kaanak ng biktima na nawawala ang tatlo kaya agad nilang hinanap ang mga ito.
Sa kanilang paghahanap, nadiskubre nilang ang tatlo dalagita na noo’y nakalutang sa tubig kaya agad silang humingi ng saklolo sa pulisya.
Agad na isinugod sa Naguillian District Hospital ang tatlong pero hindi na nagawang maisalba pa.