Advertisers
ARESTADO ang isang babaeng tulak ng droga nang makuha sa kaniya ang P313,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Lucena City.
Kinilala ang dinakip na si Reichell Alvarez, 41 anyos.
Ayon sa hepe ng Quezon Police na si Colonel Joel Villanueva, pinagbentahan ni Alvarez ang kanilang undercover ng isang pakete ng shabu sa Barangay Dalahican.
Nasamsam sa kanya ang 5 plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 15.36 gramo na nagkakahalagang P104,448.
Nakumpiska rin ang ilang illegal substance na nagkakahalaga ng P313,344.
Nahaharap si Alvarez sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.