Advertisers

Advertisers

P.5m droga nakumpiska sa 2 drug suspects

0 257

Advertisers

TINATAYANG mahigit sa kalahating milyong halaga ng shabu at marijuana ang nakumpiska sa dalawang drug suspects sa Makati City Lunes ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, Brigadier General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Jonnie Domingo, 26; at Joshua Ochinang, 23.

Sa report, 7:00 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa Guyabano Street, Barangay Rizal Makati City.



Bunsod ng ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Makati City Police Drug Enforcement Unit nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pagbebenta ng droga ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa 2,500 gramo na nagkakahalaga ng ₱300,000.00; 30 gramo shabu na may halagang ₱204,000.00; at 5.4 gramo ng Kush na nasa ₱6,480.00 ang halaga. Ang naturang mga droga may kabuuang halaga na nasa ₱510,480.00.



Nasa custody ngayon ng pulisya ang mga suspek at sasampahan ang mga ito ng kasong pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.(Gaynor Bonilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">