Advertisers

Advertisers

P61m shabu nasamsam sa 3 tulak

0 260

Advertisers

Aabot sa higit P61 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa 3 suspek sa buy-bust operation sa Taguig City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Christian Ely Caliwag Desiderio, 19; Jericho Torres, 19; at John Andree Santos, 22 anyos, na pawang taga Taguig City.

Ayon kay BGen Remus Medina, Dir ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group, 9:30 ng gabi nang isinagawa ng buy bust operation sa Brgy. Sta Ana, Taguig City.



Narekober sa mga suspek ang 9 na kilos ng shabu na nagkakahalaga g P 61.2 million.

Sumasailalaim sa imbestigasyon ang mga suspek at sasampahan ng kaso paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang sasailalim naman sa pagsusuri ang mga nasabat na iligal na droga.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">