Advertisers
Abot sa 14 na mga motocross riders ang nasaktan sa naganap na freak accident sa flat tract motocross competition sa Gen. SK Pendatun, Maguindanao.
Mahigit 20 mga motorsiklo ang kasama sa competition, karamihan mga dayo o mula sa iba’t ibang lugar ng Mindanao.
Dalawang rider ang unang nagbanggan at bumagsak sa race tract.
Dahil sa kapal ng alikabok, hindi sila napansin ng mga sumusunod na mga motorbike riders kaya’t isa-isang bumangga sa nakaharang na mga motor.
Nakaiwas ang ibang motorista dahil naabisuhan ng flag man pero ang iba sumemplang at may lumipad pa na rider.
Walang namang inulat na nasawi sa aksidente.