Advertisers
NANAWAGAN si Deputy Minority Leader Carlos Zarate na imbestigahan ng Kamara ang napaulat na “data breach” sa server ng Commission on Elections (COMELEC).
Nito lamang weekend ay nagawa ng mga hackers na pasukin ang system ng COMELEC kung saan na-i-download ng mga ito ang mahigit sa 60 gigabytes ng data na naglalaman ng usernames at pin ng mga vote counting machines (vcm).
Nababahala ang kinatawan na bunsod nito ay posibleng makompromomiso ang integridad ng 2022 election.
Hindi rin aniya malayo na makukwestyon ang kredibilidad ng halalan sa bansa kung ang isyung ito ay hindi agad matutugunan.
Dagdag pa ng kongresista, ang nasabing hacking ay mistulang ‘deja vu’ sa 2016 Comeleaks kung saan personal data records naman ng mga botante ang nakompromiso. (Henry Padilla)