Advertisers

Advertisers

DILG sa bgy. officials: Magpasa ng listahan ng mga ‘di pa bakunado kontra Covid-19

0 437

Advertisers

INIUTOS na ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga barangay officials na magsumite ng listahan ng mga hindi pa bakunadong residente.

Sa Laging Handa briefing nitong Miyerkules ng tanghali, sinabi ni DILG spokesperson Jonathan Malaya na naglabas na ng kautusan si Secretary Eduardo Año para paghihigpit sa restrictions sa kilos ng mga taong hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Ayon kay Malaya, alinsunod na rin ito sa pronouncement naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na higpitan ang kilos ng mga unvaccinated pang mga mamamayan.



Kapag maibigay na sa kanila ang hinihinging inventory, sinabi ni Malaya na maari nang ipatupad ng mga barangay ang paghihigpit sa kilos ng mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 sa pamamagitan ng isang ordinansa.

Ang naturang inventory ay kailangan na maisumite kada buwan sa DILG.

Sa ngayon, sa Metro Manila, tanging ang Pasig, Makati at Navotas ang hindi pa nakakapaglabas ng ordinansa kaugnay sa naturang restrictions. (Josephine Patricio)