Advertisers

Advertisers

‘Deadly Caloocan jail at Bilibid riot’, iimbestigahan ng CHR

0 223

Advertisers

Magsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa nangyaring madugong riot sa Caloocan City Jail at sa New Bilibid Prison na ikinasawi ng ilang mga preso at marami ang sugatan.

Nagpahayag ng pagkabahala ang CHR sa mga nasabing insidente at sinabing isang concerning trend ang kaguluhan sa loob ng piitan gamit ang mga improvised weapons.

Sinabi ni CHR Commissioner Jacqueline De Guia, na sila ay lubhang nag-aalala sa mga nagyayaring riot sa mga piitan.



Nanawagan naman si De Guia sa mga detention officials na palakasin ang kanilang efforts lalo sa kanilang isinasagawang clearing operations na walang preso o PDL (person deprived of liberty) na magkakaroon ng access sa mga deadly weapons.

Nitong buwan lamang, nagsagawa rin ng imbestigasyon ang CHR hinggil sa nangyaring riot sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa na ikinasawi ng tatlong preso at 14 ang sugatan habang sa Caloocan jail riot anim ang nasawi at 33 ang sugatan.

Binigyang-diin ng CHR na ang mga jails and detention facilities ay mayruong obligasyo na protektahan ang kanilang mga preso.

Ayon sa CHR nakakabahala kung papaano nasasangkot ang mga preso sa mga ganitong insidente at makapagtago ng mga deadly improvised weapons na hindi nalalaman.

Magpapadala ng mga investigators ang CHR sa New Bilibid Prison sa at Caloocan City Jail at makipag ugnayan sa mga otoridad.



Nais mabatid ng CHR kung nagkaroon ng “lapses” laban sa mga opisyal na nagsagawa ng clearing operations laban sa mga kontrabando.