Advertisers

Advertisers

Motorista pisak sa bumagsak na puno

0 218

Advertisers

Patay ang isang lalaki nang mabagsakan ng puno habang sakay ng kanyang motorsiko sa Palawan.

Kinilala ang biktima na si Nicanor Cabansa, 39 anyos at residente ng Bgy. Caruray San Vicente Palawan.

Ayon sa kaanak ng biktima, naghahanap buhay lang ito upang pandagdag sa paghanda para kaarawan ng kanyang anak nang mabagsakan ng pinuputol na punong kahoy noong Enero 10 sa Sitio Pag-Asa sa nabanggit na Barangay.



Hustisya ang sigaw ng pamilya dahil sa kapabayaan ng mga pumutol ng punong kahoy.

Samantala, may pag-uusap na rin ngayon sa pagitan ng kaanak at kabilang panig.