Advertisers

Advertisers

COVID-19 daily growth rate sa NCR, patuloy na bumababa – OCTA

0 440

Advertisers

SINABI ng independent monitoring group na OCTA Research nitong Sabado na nakikitaan na nang patuloy na pagbaba ang daily growth rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, base sa seven-day moving average ng mga bagong kaso, ang daily growth rate ng COVID-19 cases sa NCR ay ‘decreasing steadily’ at mula sa 5% ay nasa 3% na lamang ito sa ngayon.

“The daily growth rate in the NCR (based on the 7-day moving average of new cases) has been decreasing steadily. It has now decreased to 3%, from 5% a day before,” ani David, sa ibinahagi niyang datos sa kanyang Twitter account nitong Sabado.



“Once the daily growth rate becomes negative, new cases in the NCR are decreasing,” dagdag pa niya.

Samantala, iniulat rin naman ni David na ang reproduction number sa rehiyon, o yaong bilang ng mga taong maaaring maihawa ng isang pasyente ng virus, ay bumaba na rin sa 3.22 noong Enero 11.

“While the decrease in growth rate is strong evidence that the trend in the NCR appears to be peaking, it is still subject to data backlog and late reports,” aniya pa.

“However, if this trend is solid, we should expect between 16K to 18K new cases in the NCR on January 15, 2022, and 15K to 16K on January 16, towards a consistent decrease,” dagdag pa ni David.

Matatandaang nitong Biyernes, nakapagtala muli ang bansa ng record high na 37,207 bagong kaso ng COVID-19.



Ito na ang pinakamataas na daily tally ng sakit na naitala sa bansa, simula nang mag-umpisa ang pandemya. (ANDI GARCIA)