Advertisers

Advertisers

KUNG MADISQUALIFY SI BBM; ISKO ANG IIBABAW!

0 1,303

Advertisers

KUNG magkakataon na madi-disqualify ang dating SENATOR BONGBONG MARCOS na nangunguna sa nakaraang PRESIDENTIAL SURVEY ay siguradong mangingibabaw na sa mga PRESIDENTIAL CANDIDATE si MANILA MAYOR ISKO.MORENO.

Batay sa unang inilabas ng TANGERE sa isinagawa nilang PRESIDENTIAL SURVEY para sa taong 2022 na tumakbo mula January 3 hanggang January 8 ay si BBM ang nangunguna na nagtamo ng 60% na boto.., na ibig sabihin ay 6 sa bawar 10 Filipino ang boboto kay BBM sa darating na halalan sa Mayo.

Sa parehong survey, 3 out of 5 BBM voters ang pumili naman kay MAYOR ISKO bilang second choice nila sa pagka-PRESIDENT sakaling hindi matuloy sa halalan si Marcos.

Mula sa bahagi ng MINDANAO, SOUTHERN LUZON at BICOL REGION ay 63% ng BBM voters ang boboto kay ISKO.., mas mataas ito kumpara sa 45% noong nakaraang buwan.

Tumalon ng ilang puntos si ISKO MORENO para lampasan si VP LENI ROBREDO para sa ikalawang puwesto. Sa apat na buwan bago ang Mayo, si VP LENI ay mayroon nang halos boto galing kay BBM.

Nangangahulugan.., kung sakaling madisqualify si dating SENATOR BBM ay tatlo sa limang botante ang mapupunta sa MAYOR ng MAYNILA. Tumataas ito mula 16% na botante hanggang 52% sa magdamag. Ang 2 sa kada-5 botante naman ay paghahatian pa ng ibang kandidato kabilang sina ROBREDO, LACSON, PACQUIAO at iba pa.

Ang mga poll number na ito ay mula sa sample size na 2,400 respondents at na-facilitate sa pagitan ng January 3 hanggang 8 ng taong ito.

Ang latest survey na ito ng TANGERE ay nangangahulugan nakikita ng sambayanan ang.malaking potensiyal sa kakayahan ni ISKO na maging susunod na PHILIPPINE PRESIDENT.., na patunay sa mga ito ay mayroong mga malalaking grupo ang nagpahayag ng suporta para sa kaniyang kandidatura.

Kung magpupursige ang iba’t ibang grupo na komokontra sa kandidatura ni BBM at sakaling paboran ang.mga ito ng progresibong panahon na mapaboran ang kanilang mga dasal na matanggal sa kandidatura si BBM.., sigurado na at walang ibang magbebenipisyo kung madisqualifysi BBM ay tanging si MANILA MAYOR ISKO ang magtatamasa.

Kailangan lamang na ipagpatuloy ni MAYOR ISKO ang magandang performance at pagpapakita ng sinsero sa kaniyang mga adhikain na isa riyan ay ang masolusyunan at matulungan ang pangangailangan ng mga naghihirap na sambayanan.., kung saan ay nagsisilbing.imahe si ISKO na mula sa pagiging mahirap, namumulot ng basura ay napagsikapan niyang maiahon at.mapaganda ang kaniyang kabuhayan.., na katangiang inaasahan ngayon ng mga nagsisisuporta sa kaniyang kandidatura na magiging malaki ang kaniyang maitutulong kapag naluklok na siya sa pagiging susunod na PHILIPPINE PRESIDENT!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More