Advertisers

Advertisers

DUTERTE DEVIL TEAM!

0 4

Advertisers

TOTOO kaya ang ulat na depektibo ang pagkakagawa ng Balagtas Flyover sa Batangas City? Malaki ang magiging sakit ng ulo ni Ibaan Mayor Jane Casas na presidente at tagapamahala ng Jasmig Construction Corporation sakaling mapatunayang totoo ito.

Ayon sa balita ay isasailalim sa repair ang kagagawa pa lamang na 1.4 kilometro na flyover na ginastusan ng pamahalaan ng Php 747.65M na bahagi ng ipinanukalang humigit-kumulang sa Php 1.2B na budget. Pormal na binuksan sa publiko ang Balagtas Flyover noong January 8, 2025.

Sen. Robin Padilla at Ibaan Mayor Jane Casas

Kung depektibo ang pagkakagawa Balagtas Flyover ay maraming dapat ipaliwanag hinggil sa proyektong ito sina Mayor Casas, DPWH Calabarzon Regional Dir. Jovel Mendoza, Batangas 2nd District Engineering Officer-in-Charge Sonia Paglicauan at iba pa?

Sinisilip din kung may kinalaman ang mayor sa operasyon ng pasingaw at paihi/buriki ng Chinese military spy at ng dummy nitong si alyas Sgt. Bunny o Sgt. Mercado sa bayan ng Ibaan.

Kung kailangan halukayin ang maliit na bayan ng Ibaan upang malansag ang sindikatong nagpapalubog sa industriya ng petrolyo di lamang sa Batangas kundi sa buong bansa ay gawin ninyo Madam Mayor, Mr. Police Chief?

Tinatayang nasa 300-500 metro lamang ang layo sa Ibaan Exit at STAR Tollway ng naturang kuta, sa gitna ng sugar cane plantation kahilera ng Alfamart Coliat na imposibleng di matunugan ng mga tagasuporta ni Ibaan Mayor Casas at ng mga opisyales at miyembro ng kapulisan sa ilalim ni Maj. John Leo Cuasay.

Kung napalulusutan sila ng tomboy na Chinese military spy at alias Sgt. Bunny aka Sgt. Mercado, ay sayang lang ang ipinasusweldo sa kanila ng gobyerno. Baka naman hindi nakakalusot, kundi sadyang pinalulusot ang mga kabalbalang ito?

Bukod sa pasingaw at paihi, ang dalawa (Chinese military spy at Sgt Bunny/ Sgt Mercado) ay tinutukoy din na responsable sa talamak na operasyon ng Small Town Lottery (STL) bookies o jueteng sa 26 na barangay ng Ibaan.

Nakakalusot din kaya ito kina PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., Region 4A Acting PNP Dir. BGen. Dominic Baccay, Batangas PNP Acting Provincial Dir. Col. Oliver Ebora, National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BID)?

Nakapuslit papasok sa Palawan noong 2020, sa panahon ng Administrasyong Duterte ang grupo ng Chinese military spy at nagbalatkayong mga katutubong Pilipino. Nakapag-aral ang mga ito ng lenggwaheng Filipino at nakapagpa-rehistro ng pekeng pangalan sa Local Civil Registry Office.

Noong 2022, ang tomboy na Chinese spy ay nakapasok sa sirkulo ng pulitika at construction business sa Batangas. Nagwagi ito ng naturang ding taon bilang alkalde sa tulong ng kung tagurian ay Duterte Devil Team (DDT), gamit ang milyones na pondo mula sa People’s Liberation Army (PLA) of China.

Bilang alkalde, ay ginawa nitong dummy noong 2022 sa kanyang mga illegal activity si alyas Bunny/Sgt. Mercado, isang nasibak na pulis na orihinal na miyembro ng Davao Death Squad (DDS). Ipinagyabang na ni alyas Sgt. Bunny/Sgt Mercado ang koneksyon nila at ginawang panakot ang DDT, na aktibo maging sa Senado.

Ipinagbabanduhan nina alyas Sgt. Bunny/ Sgt. Mercado na bagyo sila sa matalinong Idol at Impeachment Senator-Judge Robinhood na umamin na isang komunista at DDS (Duterte Die Hard Supporter)? May karugtong…

***

Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144