Advertisers

Advertisers

Paolo inihayag, kalokohan na buntis si Yen

0 59

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NAIRITA si Paolo Contis ng may isang netizen sa FB na nag-post at kini-quote pa siya na kinukumpirma nitong buntis si Yen Santos.

At pinatotohanan nito na preggy talaga si Yen, ang rumored gf ng aktor.

Yun pala ay interbyu pa ito dati sa Kapuso actor nung nagbubuntis pa si LJ Reyes na iniugnay ang name ni Yen na siya raw ang buntis.

Kaya naman nang makarating sa kaalaman ni Paolo ang FB post ng netizen na buntis si Yen sa pagkukumpirma ng aktor ay isa lang ang nasabi nito, isang malaking kalokohan daw ito.

Naisyu naman na buntis kuno si Yen nang maispatan ang dalawa sa Boracay na magkasama.

Ipinaliwanag at itinanggi na preggy si Yen dati pa.

Hinangin lang daw ang damit nito kaya akala ng mga Maritess ay buntis na ito.

At least nga raw sa sagot nitong isang malaking kalokohan ang FB post ng netizens na bigla na rin nawala ay patunay lang na di talaga preggy si Yen.

For sure daw matatahimik na ang mga usisera’t usisero na patuloy na iniintriga si Yen.

***

Derek, ibinuking na nakanganga matulog ang esmi na si Ellen

THIS second week ng buwan na nakatakda na lumipad ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna patungong Africa para mag-honeymoon.

Pero dahil sa lumalalang Covid cases ‘di malaman kung tuloy ang magdyowa para sa kanilang pulut gata lalo na’t naghihigpit na naman sa travel lalo pa’t plano nilang isama ang 3 years old na anak ni Ellen sa dating partner na si John Lloyd Cruz na si Elias.

Ayon naman sa mga sitsit na malamang na dito na mabuo ang bunga ng pagmamahalan nina Derek at Ellen.

Marami natuloy ang nag-aabang para sa magiging anak ng dalawa.

Kaso ang kinagiliwan ng netizens sa socmed na talagang nag-viral at trending ay nang ibuking ni Derek kung paano matulog si Ellen.

Poise at maganda pa rin naman ni Ellen sa post pics na ibinisto ni Derek na nakanganga nga raw matulog ang misis.

Well, well, well. Yun na.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More