Advertisers

Advertisers

Parehong nasa lock in taping… EA at Shaira advance nag-celebrate ng anniversary at Valentine’s Day

0 174

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

BUMALIK na sa kanyang trabaho sa 24 Oras ang host na si Iya Villania matapos gumaling mula sa COVID-19.

“Good evening mga Kapuso, I am so back!” pagbati ni Iya sa kanyang live “Chika Minute” updates noong Biyernes, January 21.



Nagpositibo sa COVID-19 sina Iya at Drew Arellano, maging ang tatlo nilang mga anak na sina Antonio Primo, Alonzo Leon, at Alana Lauren, noong ikalawang linggo ng Enero.

Noong January 18, ibinahagi ni Drew na “almost 100%” nang naka-recover ang buong pamilya mula sa virus.

Kasalukuyang ipinagbubuntis ni Iya ang ikaapat na anak nila ni Drew, na una niyang inamin sa Mars Pa More noong January 3.

Samantala, napapanood din si Iya sa Eat Well. Live Well. Stay Well. ng Ajinomoto tuwing Biyernes ng umaga bago ang Eat Bulaga! sa GMA with Chef Jose Sarasola..

***



MAAGANG ipinagdiwang ng Kapuso actress na si Shaira Diaz at ng kanyang longtime boyfriend na si EA Guzman ang kanilang ninth anniversary.

Isinabay na rin dito nina EA at Shaira ang pagdiriwang ng Valentine’s Day.

Sa isang Instagram Story ni EA, makikita ang larawan nila ni Shaira na may caption na, “Same kami ng schedule ng lock-in taping…Happy Valentines Day! Happy 9th Anniversary! Advance ko na Baba.”

“Mamimiss kita. See you after 2 months,” dagdag pa ni EA.

Kapansin-pansin sa larawan nina EA at Shaira na hindi nila maitago ang lungkot na nararamdaman dahil ilang buwan silang hindi magkakasama.

Ibinahagi rin ni Shaira ang story ni EA sa kanyang Instagram account.

“Going to miss you baba [cry emojis]. See you soon! Advance HVD and Happy Anniv, too! [heart emoji],” sagot naman ni Shaira kay EA.

Napagkasunduan ng magkasintahan na maagang ipagdiwang ang Valentine’s Day at ang kanilang anniversary dahil pareho silang abala sa kani-kanilang projects bilang mga artista.

Sa kasalukuyan, naka-quarantine na si Shaira para sa lock-in taping ng action-adventure series na Lolong.

Noong nakaraang taon, nagbakasyon sa Boracay sina EA at Shaira para ipagdiwang ang kanilang eighth anniversary.

Bago pa man umere ang Lolong ay regular nang napapanood si Shaira sa iBilib tuwing Linggo ng umaga, 9:35. Co-host siya ni Chris Tiu sa iBilib na tampok din si Roadfill Macasero.

Iba-iba at sari-saring nakamamanghang eksperimeto at kaalaman sa science and technology ang palaging napapanood sa iBilib ng GMA.

***

BAGO mapanood ang fresh episodes ng inaabangang ikalawang season ng Prima Donnas, nagbigay ng opinyon ang batikang aktres at direktor ng show na si Gina Alajar.

Sa Prima Donnas Season 2 kasi ay magkakaroon na ng mga kapareha ang mga bida nitong sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo.

Makakapareha ni Jillian sina Will Ashley at Vince Crisostomo, gumaganap bilang sina Nolan at Cedric.

Komento ni Direk Gina, “Si Vince at si Jillian have good chemistry also, and Will and Jillian, lalo na isang maganda at isang gwapo, so maganda ang chemistry nila.”

Sa ikalawang season ng Prima Donnas, papasok na rin ang aktor na si Bruce Roeland bilang si Hugo, ang makakapareha ng karakter ni Althea.

Pansin ni Direk Gina, “Si Bruce and Althea din, very good chemistry. [Bruce] has very, very good chemistry with Althea. Ang ganda nilang tingnan lalong lalo na Althea’s skin is on the dark side and Bruce is so mestizo.”

“Ang ganda-ganda nilang tingnan physically, sa chemistry, ang ganda ganda nilang tingnan.”

Sa pagbabalik naman ni Sofia bilang si Donna Lyn ay makakasama niya si Allen Ansay na gaganap bilang Fonsie.

Saad ni Direk Gina, “Allen and Sofia, they have very, very good chemistry na nakikita ko. At saka, cute silang tingnan.”

Napapanood na simula nitong Lunes, January 23, ang fresh episodes ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga.