Sanya excited gawin muli ang ‘Encantadia’; Carmina umiyak nang iwan ang pamilya para sa lock in taping
Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
GAGAWA ang GMA ng karugtong na istorya ng Encantadia na pamamagatang Sang’gre.
IIkot o sesentro ang kuwento nito sa bidang babae na anak ni Danaya, na ginampanan ni Sanya Lopez sa Encantadia reboot noong 2016.
Kaya naman naitanong kay Sanya kung papayag siya kung sakaling sa kanya ialok ng Kapuso network ang naturang proyekto.
“Of course”, mabilis na sagot ni Sanya sa Zoom mediacon ng Agimat Ng Agila: Book 2.
“Alam naman natin na Encantadia ang nagbigay ng break sa akin dito sa GMA.
“Kaya if ever naman na i-offer sa akin ang Sang’gre, buong puso ko talagang tatanggapin kasi sobrang napamahal sa akin si Danaya.
“Isa siya sa pinakapaborito kong character.”
Ikinagulat nga raw ni Sanya na may plano pala ang GMA na bagong serye tungkol sa mga Sang’gre; marami rin daw ang nag-message sa kanya at nagtanong kung siya ba ang gaganap dito noong ipinakita ang teaser ng upcoming fantaserye sa New Year Countdown special ng GMA.
“Sobrang na-excite ako, ang daming nag-message sa akin na, ‘Ikaw ba ‘to? Bakit iyong brilyante mo yung nasa gitna?’
“So talagang ang daming naano, ‘Anong meron, anong meron?’ “So, na-excite yung mga tao sa akin.
“Sabi ko, hindi ko rin alam, na-surprise lang din ako noong New Year na nandoon pala yung Sang’gre, may bago.
“So, even ako na-surprise, walang nagsasabi sa akin.”
“After nun, since ang Encantadia Viber group ay buhay pa hanggang ngayon, nag-send si Direk.
“Pero alam mo naman, si Direk Mark, ma-surprise din, mahilig mang-ganun so hindi namin alam.
“Pero lahat kami, hindi lang ako na Sang’gre ang excited para dito pero kaming apat.
Ang iba pang mga Sang’gre sa 2016 reboot ay sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, at Kylie Padilla.
Pero wala pa raw ino-offer kay Sanya na bagong serye na may konek sa Encantadia o sa mga Sang’gre.
Ang ginagawa ni Sanya ngayon, bukod sa Book 2 ng Agimat Ng Agila ay ang First Lady na karugtong namang kuwento ng phenomenal na First Yaya nila ni Gabby Concepcion last year.
Mapapanood na ang First Yaya sa Valentine’s Day, February 14.
Sa Book 2 ng Agimat ng Agila ay “special participation” na ang billing ni Sanya, hindi tulad sa Book 1 na siya mismo ang leading lady ni Senator Bong Revilla.
Hindi muna ni-reveal ni Sanya kung ano ang mangyayari sa kanyang papel sa Book 2 ng Agimat Ng Agila na bagong cast member si Rabiya Mateo, ang ating Miss Universe Philippines 2020.
“Honestly, oo, kasi bitin ako sa Agimat ng Agila. Parang masarap din kasi katrabaho dito lahat.
“So nakaka-miss na maging part dito since special participation lang ang ganap ko ngayon.
“But since magagaling naman ang ating director at writers, e, alam ko naman na maganda ang story nito at marami silang surprises so dapat nating abangan.
“Pero sabi ko nga, as long as kailangan ako ng Agimat ng Agila, nandito ako.”
Mapapanood ang Agimat ng Agila Book 2 sa Sabado, January 29.
***
HINDI na naman napigilan ni Carmina Villarroel ang maging emosyonal nang magpaalam sa kanyang pamilya para sa panibagong lock-in taping.
Sa Instagram post, ibinahagi ng Kapuso actress ang video clip habang umiiyak siya at yakap ang mister na si Zoren Legaspi, at anak na si Cassy.
“Here I go again…Yes, I’m such a cry baby,” saad ni Carmina.
“Time for hotel quarantine and lock in taping for ‘Widows’ Web’ till March,” sabi niya.
“I will miss you Tatay, Cassy, Mavy, my dad, and my fur babies! I will be home soon. I love you all,” dagdag ng aktres.
Ayon kay Carmina, wala sa video ang anak na si Mavy dahil nasa trabaho ito.
Samantala, nagbahagi rin si Cassy sa Instagram story ng mga larawan nang umalis ang ina.
“Our iyakin bunso is leaving again for her lock-in taping,” biro niya sa post.
Kasama rin sa “Widow’s Web” sina Ashley Ortega, Pauline Mendoza, Vaness del Moral, Adrian Alandy, Arthur Solinap, Dave Bornea, at EA Guzman.
***
KABILANG na rin si Nadine Samonte at kaniyang pamilya sa mga tinamaan ng COVID-19.
Sa Instagram stories, ipinakita ni Nadine ang kanyang negative antigen result. Aniya, nagpositibo sa virus ang kanyang pamilya, pati na ang kanyang one-month-old baby na si Harmony.
“From positive to negative na, yahoo!” saad niya sa post.
“Grabe ang nangyari sa’min. Kaming lahat nag-positive, kahit si Harmony. Buti mild symptoms lang kami and ang kids, naagapan agad. Thank you, Lord, for everything. We made it,” patuloy ng aktres.
Bago nito, nagpahiwatig si Nadine na mayroon silang pinagdadaanan na pamilya nang mag-post siya ng monochrome photos na kasama ang mister na si Richard Chua at si Harmony.
“We are still in the grey area but we are okay. Everyone’s okay, even our little Harmony. Thank you Lord hindi mo kami pinabayaan lalo na mga kids. Salamat,” saad niya sa caption.
Bukod kay Harmony, ang dalawa pang anak nina Nadine at Richard ay sina Heather at Titus.
Ilan pa sa mga celebrity family na nagpositibo sa COVID-19 ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Iya Villania at Drew Arellano, Aubrey Miles at Troy Montero, at Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla